Ang buong pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Pasong Buaya III ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙗𝙤 𝙨𝙖 𝘿𝙚𝙠𝙤𝙡𝙤𝙣𝙞𝙨𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙞𝙨𝙞𝙥 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤.”
Lubos na kinikilala ng Komisyon ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino, gayundin bilang pakikiisa sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP) na nakatuón sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na 500 taón.
Komisyon sa Wikang Filipino: "Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 2021 Quincentennial Commemorations in the Philippines (2021 QCP) na nakatuón sa mahahalagang pangyayari sa bansa sa nakalipas na 500 taón partikular na sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 na mahigpit na nagtatagubiling ang mga pagdiriwang ay nararapat na maging "Filipino-centric" na nararapat na sumasalamin sa Pilipinong pananaw at nagbabantayog sa pag-unawa at damdámin ng pagmamalaki sa ating mga ninuno at mayamang pamanang kultural sa porma ng panitikan, wika, mga sining, at ibá pang manipestasyong kultural. Nararapat ding bigyang-diin nitó ang Pilipinong Identidad at kahalagáhan ukol sa pagkakaisa, kahinahunan, at kalayaan." Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.